Erin De Lane
Sure I can accept that we’re going nowhere, But one last time let’s go there.
ako ay taga - dulo ng silangan ng rizal, at nakatira sa hulo. at paminsan-minsan sa sta mesa, nanggaling ako sa mahirap ngunit makisig na pamilya, nakahiligan ko ang pancit canton at paghuhugas ng pinagkainan, naniniwala ako na dapat minsan sa buhay ay gumagawa tayo ng mga bagay na wala sa plano di alinlangan kung lungkot o kasiyahan ang resulta nito. galit ako sa mga nagkakalakal ng kidney. paminsan-minsan ay pumupunta ako sa mga sakahan, at sumasakay sa likod ng mga kambing, madalas akong managinip na kinakagat ako ng aso sa kamay. natatawa ako pag may magkasintahang nag-aaway sa pampublikong lugar lalo na kung ang dahilan ay pera, mahilig akong maglakad-lakad at mamirata ng DVD, kinasusulasukan ko si Martin Nievera kapag gumagawa siya ng kahit ano maliban sa pagkanta. naniniwala ako na ang pag-ibig ay parang lason at arnibal na pinagsama, gumigising ako ng alas kwatro ng umaga araw-araw upang mag-jogging, madalas ako pulikatin, minsan umiiyak ako habang tumatakbo, kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho sa maynila.
Maraming Salamat sa iyong panahon,
Jay - Richman Caramat
"